^

PSN Palaro

2-1 sa betting odds vs Bradley Pacquiao paborito pa rin

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tulad sa unang pagtutuos, si Manny Pacquiao pa rin ang naliliyamado laban kay Timothy Bradley sa paningin ng mga mahihilig sa boxing.

Lumalabas na 2-1 paborito si Pacquiao sa betting odds para sa rematch na nakakalendaryo sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Si Pacquiao ay -180 kumpara sa +160 kay Bradley at ibig sabihin ay kailangan ng mga kapanalig ni Pacman na maglabas ng $180 para manalo ng $100. Sa kabilang banda, ang mga naniniwala sa galing ni Bradley ay mananalo ng $160 sa $100 taya.

Nauwi ang unang pagkikita sa kontrobersyal na split decision na pagkatalo ni Pacquiao kay Bradley para mahubad din ang dating hawak na WBO welterweight title.

Naihayag na ni Pacquiao ang kahandaan na pa­tunayan sa lahat na na­biktima siya ng ma­ling hurado sa inaasintang kumbinsidong panalo sa ikalawang pagtutuos.

Ngunit kahit si Bradley ay may kumpiyansa na mananalo rin sa bakbakang handog ng Top Rank.

Sa panayam ng On The Ropes Boxing Program, ipinagdiinan niya ang panalong kinuha kay Mexican Juan Manuel Marquez bilang isa sa kanyang batayan kung bakit nakikita niya ang pagtala ng kumbinsidong panalo sa Pambansang Kamao.

“I took out the guy that knocked out Pacquiao. I know styles make fights but, it was easy beating Marquez and Pacquiao always struggled against Marquez,” wika ni Bradley.

Tinalo sa pamamagitan ng decision ni Bradley si Marquez na umani naman ng 6th round knockout panalo kay Pacquiao noong Disyembre 2012.

 

 

vuukle comment

BRADLEY

GRAND ARENA

LAS VEGAS

MARQUEZ

MARQUEZ AND PACQUIAO

MEXICAN JUAN MANUEL MARQUEZ

ON THE ROPES BOXING PROGRAM

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with