^

PSN Palaro

Huling puwesto sa quarters uupuan ng Bakers vs Elite

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(JCSGO Gym)

12 nn Café France Bakers vs Blackwater Sports

2 p.m. Cebuana Lhuillier

 vs NU-Banco de Oro

4 p.m. NLEX vs Derulo Accelero

 

MANILA, Philippines - Iigting pa ang laba­nan para sa huling upuan patu­ngong quarterfinals sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa pagkikita ng Café France at Blackwater Sports ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Unang laro sa triple-header game sa ganap na alas-12 ng tanghali magsisimula ang bakbakan at hanap ng Bakers na sel­yuhan na ang pinaglalabanang puwesto bagay na hindi pahihintulutan ng Elite.

Ang dalawang kopo­nang nabanggit na lamang ang palaban para sa quarterfinals slot at sa ngayon ay hawak ng Bakers ang mahalagang pang-anim na puwesto sa team standings bitbit ang 7-4 baraha.

Kung manalo ang bataan ni coach Edgar Macaraya ay sila na ang aabante dahil hindi na aabot ang Elite sa walong panalo.

Sa kabilang banda, ang bataan ni coach Leo Isaac na may 6-5 baraha, ay kailangang manalo ngayon at sa huling laro kontra sa Cebuana Lhuillier sa Enero 28 para magpatuloy ang kampanya sa ikalawang kampeonato sa liga.

Huling katunggali ng Bakers ang Arellano-Air21 sa Enero 27 at kung manalo sila at ang Elite, magtatabla ang dalawa sa 8-5 at ang winner-over-the-other rule ang gagamitin para malaman kung sino ang aabante.

Ang Cebuana Lhuillier at NU-Banco de Oro ang magpapang-abot sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon bago sumabak ang NLEX kontra sa Derulo Accelero dakong alas-4 ng hapon. (ATan)

vuukle comment

ANG CEBUANA LHUILLIER

BLACKWATER SPORTS

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

DERULO ACCELERO

EDGAR MACARAYA

ENERO

FRANCE BAKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with