^

PSN Palaro

Road Warriors wagi sa Elite; pinalakas ang kapit sa 2nd place

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpakawala ng 36 puntos sa huling yugto ang NLEX Road Warriors para talunin ang Blackwater Sports, 103-86, at tumibay ang kapit sa ikalawang pu­westo sa PBA D-League Aspirants Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Que­zon City.

Napag-iwanan ng Elite ng hanggang 18 puntos, 45-63, si Kevin Alas ang nag­­pasiklab sa 19-9 palitan para lumapit sa 74-79 sa pagtatapos ng ikatlong yugto bago tumulong sina Ronald Pascual, Ola Adeo­gun at Garvo Lanete sa 23-5 bomba tungo sa 90-77 Abante sa huling yugto.

Ito ang ika-walong panalo ng NLEX sa siyam na laro.

Si Alas ay tumapos bitbit ang 23 puntos, habang si Adeogun ay may 18 puntos at 10 rebounds.

May 22 puntos si Allan Mangahas para sa Elite  na bumaba sa 6-4 baraha.

Ginamitan ng Jumbo Plastic ng 18-2 run ang Cebuana Lhuillier upang tapusin ang kampanya sa eliminasyon tangan ang 10-3 karta sa 82-70 panalo.

Binuksan ng Gems ang huling yugto gamit ang 6-2 palitan para hawakan pa ang 66-64 bentahe pero nabokya sila sa sumunod na anim na minuto.

Sina Jason Ballesteros, Marion Magat, Ha­rold Arboleda at Elliot Tan ang nagkapit-bisig sa 12-0 bomba para hawakan ang 76-66 bentahe.

Nasa ikatlong puwesto ngayon ang Giants at hindi malayong malalagay sila sa ikatlo o ikaapat na puwesto pa­ra hawakan din ang ma­halagang ‘twice-to-beat’ ad­vantage sa cross-over, best-of-three quarterfinals.

May 23 puntos at 12 re­bounds si Ballesteros.

Sinandalan ng Boracay Rum ang 19-4 panimula tu­ngo sa 90-68 demolisyon sa Wangs Basketball sa no-bearing game.

 

vuukle comment

ALLAN MANGAHAS

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS CUP

ELLIOT TAN

GARVO LANETE

JUMBO PLASTIC

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with