^

PSN Palaro

2014 Stags Charity Run pakakawalan bukas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan nina rector president Fr. Christo­pher Maspara, OAR, at over­all organizing committee chairman Fr. Joel Alve, OAR,  ang mga makikiisa sa gaganaping Stags Cha­ri­ty Run sa Linggo sa ASE­A­NA City na malapit sa SM Mall of Asia at Macapagal Boulevard.

Ang patakbo na nasa ikaapat na taon na ay pro­yekto ng San Sebastian Col­lege at hangarin nito  na ma­kalikom ng pondo na ipan­tutustos sa pastoral mi­­nistry at charity mission sa ibang lugar sa bansa ng Order of Augustinian Re­­collects (OAR).

Sa mga distansyang 3K, 5K at 10K gagawin ang tagisan at sina Maspara at Alve ay uma­asang mapa­pantayan kundi man ay mahihigitan ang 4000 run­ners na sumali noong na­karaang taon.

“We intend to duplicate, if not eclipse, the more than 4000 runners who joined our third edition in 2013,” pa­hayag ni Alve.

Ang Stags Charity Run ay isa sa magpapatingkad sa 73rd Foundation Celeb­ration ng San Sebastian at ang tema sa taon ay “Greatness Awaits One Who Recollects.”

Ang mga nagnanais na mag­patala pa sa patakbo ay maaring tumawag sa 7348931-39 loc. 216/204 o kaya ay magtungo sa web­site na www.sscrmnl.edu.ph.

Noong 2011 ay bi­nig­yan ng buhay ang Stags Cha­rity Run at tinaguriang “Takbo Para sa Misyon.

Ang nalikom na pondo ay ipinantustos sa missio­na­ry works sa Sierra Leone, Africa  at sa Cascian Is­land sa Palawan.

Ang ikalawang taon na may temang “Takbo Pa­ra sa Edu-Misyon” ay igi­nugol para sa  mga outreach programs habang no­ong nakaraang taon na ti­naguriang “Takbo Para sa Bo­kasyon”, ang pera rito ay pa­ra isuporta sa bokasyon at re­ligious life ng mga ka­sapi ng OAR.

ALVE

ANG STAGS CHARITY RUN

CASCIAN IS

FOUNDATION CELEB

GREATNESS AWAITS ONE WHO RECOLLECTS

JOEL ALVE

SHY

STAGS CHA

TAKBO PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with