Gilas Cagers PSA Athletes of the year
MANILA, Philippines - Ibinigay ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang tampok na parangal na 2013 Athletes of the Year sa Gilas Pilipinas matapos ibalik ang bansa sa World basketball Championship nang pumangalawa sa FIBA Asia Men’s Championship noong nakaraang taon.
Sa Mall of Asia sa Pasay City ginawa ang FIBA Asia mula Agosto 1 hanggang 11 at isinantabi ng Nationals na hawak ni coach Chot Reyes at suportado ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pamumuno ni Manny V. Pangilinan ang matinding pressure bilang host team nang talunin ang South Korea sa semifinals.
Ang panalo ang nagsilbing tiket ng Pilipinas para makalahok sa FIBA World sa taong ito na tumapos sa 35 taon na nawala ang bansa sa prestihiyosong torÂneo.
Bukod sa makasaysaÂyang pagtatapos, tunay din na napagkaisa ng Gilas ang buong Sambayanan na sumuporta sa kanilang kampamya para lalong maging karapat-dapat sa pinakaprestihiyosong parangal na igagawad sa PSA Annual Awards Night sa Enero 25 sa Solaire Resort and Casino.
Lalabas na ika-apat lamang ang Gilas Pilipinas bilang isang koponan na tumanggap ng Athlete of the Year award sa samaÂhang binubuo ng mga editors, writers at columnists ng national dailies, tabloids at website.
Ang una ay ang Team Philippines noong 2005 nang nakuha ng Pilipinas ang natatanging overall championship sa South East Asian Games, ang Ateneo Blue Eagles at Team Manila noong 2012.
Ang Pambansang kamao at Kongresista ng Sarangani Province na si Manny Pacquiao ang siyang inimbitahan para maging special guest at speaker sa seremonya na sinuportahan ng Smart Sports, MILO, Philippine Sports Commission, Air21, Globalport, Rain or Shine, Senator Chiz Escudero, Philippine Basketball Association (PBA), Accel, PhiÂlippine Amusement and Gaming Corp. at Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang iba pang paraÂngal na igagawad ay ang Presidential Achievement Award, Executive of the Year, Major Awards, NSA of the Year, Lifetime Achievement Award, Milo Junior Athlete Awards, Sixth Man Award, Mr. Football, Miss Volleyball at Tony Siddayao Award para sa mga youth athletes.
May citations naman ang mga nanalo ng gintong medalya sa 27th South East Asian Games sa Myanmar habang ang mga namayapang atleta, mga sports officials at kasamahan sa hanap buhay noong nakaraang taon ay aalalahanin din.
- Latest