^

PSN Palaro

Alas

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nag-silver medal ang Alas Pilipinas sa AVC Nations Cup nung Sabado sa Vietnam.

Mabibigat ang tinalo ng magagandang volleyball players natin kabilang ang Kazakhstan at Chinese Taipei.

Kaya kahit natalo sa Iran, umabot ang Alas sa final match laban sa Vietnam, ang hari ng Southeast Asia.

Dehins tayo umubra.

Pero malaking bagay na lumaban sa final ang Alas. First time para sa bansa natin ‘yun sa isang AVC tournament.

Hit sa mga Noypi ang Alas. Sobrang popular kasi ang women’s volleyball natin.

At kung pagandahan ang labanan, gold medal tayo.

Malayo pa ang mararating ng Alas especially if patuloy silang sasabak sa international competitions.

At konting maturity pa sana.

Sabi ng iba, parang sobra sila sa showtime. ‘Yung mga pasayaw-sayaw sa court, selfie dito at selfie doon at mga post sa TikTok.

Ewan ko kung good or bad sa kanila ‘yung ganun na style.

Ang importante, manalo.

Walang basagan ng trip.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with