^

PSN Palaro

No. 28 na si So sa FIDE rankings

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumaas ng dalawang hakbang si Filipino Grandmaster Wesley So sa huling ipinalabas na FIDE rankings.

Mula sa dating kinalugaran na 30th puwesto sa mun­do, si So ngayon ay nasa ika-28th puwesto matapos manalo sa limang malalaking torneo na sinalihan no­ong 2013.

Tampok na panalo ni So ay nangyari sa World Uni­versiade sa Kazan, Russia para sa kauna-unahang gin­tong medalya ng Pilipinas sa nasabing torneo.

Hindi naman gumalaw ang ratings niya na nasa 2719 pa rin dahil hindi pa ibinilang ang 6-of-6 performance nito sa katatapos lang na 2013 Pan  American Inter-Collegiate Championship sa Lubbock, Texas. Dahil sa naitalang marka ni  So, ang Webster  University ang siyang lumabas na kampeon at ang Pinoy  GM ang kinilala rin billang best  individual performer sa pinakamalakas na collegiate chess tournament sa America.

Malaki naman ang posibilidad na tumaas pa ang kanyang rankings  sa paglahok sa 76th Tata Steel Chess Tournament sa Wijk aan Zee sa The Netherlands.

Ang kompetisyon ay itinakda mula Enero 10 hanggang 26 at makakalaro ni So ang 11 super GMs, kasama ang walo na kasalukuyan ay nasa Top 20 sa talaan.

Nangunguna na sa sasali ay si Armenian GM Levon Aronian, ang number two sa FIDE rankings at napanalunan ang titulo sa torneo ng tatlong beses, kasama ang 2012 at 2013 editions.

Si So ang lalabas na ikalawang pinakabata na kasali sa kompetisyon at ang nakadaig sa 20-anyos na manla­laro ay si Dutch GM Anish Giri na walong buwang mas bata sa pambato ng bansa na chess scholar sa Webster University sa Canada at nasa pangangalaga ni dating women’s world champion Susan Polgar ng Hungary.

AMERICAN INTER-COLLEGIATE CHAMPIONSHIP

ANISH GIRI

FILIPINO GRANDMASTER WESLEY SO

LEVON ARONIAN

SI SO

SUSAN POLGAR

TATA STEEL CHESS TOURNAMENT

WEBSTER UNIVERSITY

WORLD UNI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with