National athletes bibigyan ng mas maraming overseas training sa 2014
MANILA, Philippines - Kesa bigyan ng overseas exposures, magkakaroon ang mga Filipino athletes ng maraming overseas training bilang paghahanda sa mga major international competitions para sa 2014.
Sinabi ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia na mas gugustuhin nilang pagsanayin ng matagal ang mga national athletes sa iba’t ibang bansa.
“As much as possiÂble we will send them to training camps than mere overseas competitions. In training camps you learn more and improve,†wika ng PSC chief.
Ang PSC ang gumagastos sa training ng mga atleta ng iba’t ibang national sports associations pati na sa kanilang paglahok sa mga international stints.
Ayon kay Garcia, mas mabibigyan ng benepisyo ang mga atleta sa pagkakaroon ng overseas training kumpara sa pagpapadala sa kanila sa iba’t ibang bansa para makipaglaban.
Ilang international events ay halos isang linggo ang inilalaro na siyang ginagastusan ng malaki ng PSC.
“Even five international exposures mean nothing compared to one serious training camp of let’s say three months,†ani Garcia.
“It’s non-stop training for two or three months and it’s better than sending our athletes to one-week competitions,†dagdag pa nito.
“Ano ba makukuha mo dun? Yes, you measure your performance but I’d rather send them train three months overseas.â€
Para sa 2014, isasabak ng bansa ang mga atleta sa Youth Olympics sa Nanjing, China sa Agosto at sa Asian Games sa Incheon, Korea sa Setyembnre.
Sinabi ni Garcia na dapat ikunsidera ng mga NSAs ang kanyang panukala sa pagpasok ng taong 2014.
- Latest