^

PSN Palaro

PABA bumuo ng 15-man transition board

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumuo na ang unified baseball group ng 15-ka­taong transitory board na maglalatag ng daan upang mapagsama-sama ang mga baseball groups tungo sa iisang eleksyon na balak mangyari sa Hunyo.

Kasama sa uupo sa board na binuo matapos ang pag­pupulong  noong nakaraang Huwebes ay ang mga opisyales ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na sina Dr. Emmanuel Angeles at Marty Eizmendi.

Si Angeles na nanilbihan bilang PABA chairman ang kakatawan sa PRISAA habang si Eizmendi na inilagay bilang interim PABA president ang magrerepresenta sa  nasabing asosasyon.

Ang iba pang inilagay sa board ay sina Martin Co­juangco, Atty. Felipe Remollo, Tintin Remollo, Pepe Munoz, Norman Macasaet, Fortunato Dimayuga, Felix Yulo, Chito Gonzales, Randy Dizer, Rodolfo “Boy” Tingson, Arsenic Laurel at Leslie Suntay.

Unang trabaho ng grupo ay ang ayusin na ang Constitution at By Laws bukod sa membership upang matiyak na mapapapasok ang ibang lehitimong baseball groups sa bansa.

Bago matapos ang taon ay nais nilang maplantsa na ang lahat ng ito upang maipasa sa Philippine Olympic Committee (POC) para sa kanilang pagsang-ayon.

ARSENIC LAUREL

BY LAWS

CHITO GONZALES

DR. EMMANUEL ANGELES

FELIPE REMOLLO

FELIX YULO

FORTUNATO DIMAYUGA

LESLIE SUNTAY

MARTIN CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with