^

PSN Palaro

3 Pinoy tracksters sasalang na

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong pambato sa ka­­la­l­akihan sa athletics ang sasalang ngayon at maghahanap ng mga gintong medalya para pasiglahin ang laban sa 27th SEA Ga­mes sa Wunna Theikdi Stadium sa Nay Pyi Taw, Myanmar.

Sina dating SEAG gold medalists Arniel Ferrera at Henry Dagmil ay sasamahan ng 400m specialist Archand Christian Bagsit na pangunahan ang kanilang paboritong events at maka­tulong sa pagpapainit sa malamig na kampanya ng Pilipinas sa tuwing kada- dalawang taong torneo.

Si Ferrera ay palaban sa hammer throw habang si Dagmil ay isasalang sa long jump katuwang si Benigno Marayag.

Lalaro rin ang lady athle­tes na sina Riezel Bue­naventura at Narcisa Atienza at ang una ay sa pole vault kakampanya habang si Atienza ay sasabak sa unang apat na events sa heptathlon.

Mataas ang paniniwala ng mga opisyales ng PATAFA na magiging produktibo ang laban ng mga bataan sa SEAG at hindi bababa sa anim ang gintong kanilang maiuuwi.

Si Bagsit na tatakbo sa 400m kasama si Edgardo Alejan ang isa sa mga itinuturing na patok sa karera dahil lalo itong gumaling matapos matalo sa ginto kay Heru Astriyanto ng Indonesia noong 2011 SEAG.

 

ARCHAND CHRISTIAN BAGSIT

ARNIEL FERRERA

BENIGNO MARAYAG

EDGARDO ALEJAN

HENRY DAGMIL

HERU ASTRIYANTO

NARCISA ATIENZA

NAY PYI TAW

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with