^

PSN Palaro

4 kopanan mag-uunahan sa panalo sa UAAP volley

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

8:30 a.m.  UP vs UST (M)

10 a.m.  Ateneo vs UE (M)

2 p.m. UST vs UP (W)

4 p.m. FEU vs UE (W)

 

MANILA, Philippines - Apat pang koponan ang mag-uunahan na pu­­masok sa win-column sa pagpapatuloy ng 76th UAAP women’s volleyball ngayon  sa The Arena sa San Juan City.

Ang UST at UP ay mag­tutuos sa ganap na ika-2 ng hapon bago sundan ng FEU at UP dakong alas-4 ng hapon at ang mananalo ay makakasalo ang nagdedepensang kampeon La Salle at National University sa unang puwesto.

Tiyak na magpupursigi ang mga koponang nabanggit na magkaroon ng magandang panimula dahil ang mga ito ay hindi pumasok sa Final Four noong nakaraang taon.

Ang Lady Tigresses ay sumablay sa pagtungtong sa semifinals sa unang pagkakataon sa huling isang dekada.

Sa taong ito, kailangan nilang humugot sa determinasyon ng mga manlalaro dahil sa pagkawala ng mga inaasahang players.

Samantala, magbubukas din ngayon ang aksyon sa softball sa Rizal Memorial Ballpark at ang mga maglalaro ay ang National University at La Salle sa ganap na alas-9 ng umaga, UST at Ateneo dakong alas-11 at UP kontra UE dakong ala-1 ng hapon.

 

vuukle comment

ANG LADY TIGRESSES

APAT

ATENEO

FINAL FOUR

LA SALLE

LARO NGAYON

NATIONAL UNIVERSITY

RIZAL MEMORIAL BALLPARK

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with