^

PSN Palaro

Phl Azkals umangat sa FIFA rankings

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Selyado pa rin ng Pilipinas ang taguri bilang number one na bansa sa men’s football nang umangat pa ang Nationals ng apat na baytang tungo sa 133rd puwesto sa bagong FIFA ran-kings na lumabas kahapon.

Ito na ang pinakamataas na ranking na nakuha ng bansa at kasama sa komputasyon ay ang dalawang FIFA international friendly games laban sa United Arab Emirates at India.

Natalo ang Azkals sa UAE, 0-4, pero nakatabla sa India, 1-1, upang tapusin ang kampanya sa 2013.

Sa kabuuan ay sa 14 puntos ang iniakyat ng Az­kals matapos simulan ang taon na nasa 147th puwesto.

Sa Continental ranking, ang Pilipinas ay umangat mula sa 22nd puwesto tungo sa 19th place. Ang Syria ay mas mababa sa bansa ng isang baytang (20) habang ang Turkmenistan ay nasa 137th place.

Ang Myanmar ang pu­ma­pangalawa sa Southeast Asia sa 140 bago sinundan ng Thailand (142), Singapore (154), Malaysia (158), Vietnam (158), Indonesia (162 ½), Laos (163), Cambodia (188), Brunei (189) at Timor Leste (189).

ANG MYANMAR

ANG SYRIA

AZKALS

BRUNEI

PILIPINAS

SA CONTINENTAL

SOUTHEAST ASIA

TIMOR LESTE

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with