Marquez minaliit si Pacquiao Rios mahinang kalaban daw
MANILA, Philippines - Kung may tao mang hinÂdi bumilib sa ipinakitang dominasyon ni Manny Pacquiao kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios noong Linggo, ito ay ang kanyang karibal na si Juan Manuel Marquez.
Sa isang panayam ng BoxingScene.com, sinabi ni Marquez na pinili ni Bob Arum ng Top Rank Promotions si Rios dahil mas madali itong tamaan ni Pacquiao.
“It was important for Manny Pacquiao to look good, so they gave him an opponent like Brandon Rios for his return and he looked impressive,†ani Marquez.
“I believe that Bob Arum is doing his job in getting him these types of opponents.â€
“But it will be important to see him face tougher competition and see how he looks against those kinds of fighters after suffering that knockout,†dagdag pa ng Mexican na nagpabagsak kay Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaÂapat na paghaharap noong Disyembre 8, 2012.
Bago matalo kay Marquez ay nabigo muna si Pacquiao kay Timothy BradÂley, Jr. via split decision na nag-alis sa kanya ng suot na World Boxing Organizaton (WBO) welterweight title noong Hunyo 9, 2012.
Sa pagitan nina Bradley at Marquez, ang American boxer ang sinasabi ni chief trainer Freddie Roach na gusto niyang labanan ni Pacquiao sa susunod na taon.
Ayon kay Roach, tiyak niyang hihingi ng mas maÂlaking premyo ang 40-anyos na si Marquez para pumayag sa kanilang pang-limang paghaharap ni Pacquiao.
- Latest