^

PSN Palaro

Maulas, Roque sa Angeles leg ng MILO Marathon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinamahalaan nina middle-distance runners Wenlie Maulas at Nikki Roque ang kompetisyon sa 21K route sa qualifying leg ng 37th National MILO Marathon sa Angeles City.

Kapwa tumanggap sina Roque at Maulas ng prem­yong P10,000 para sa kanilang panalo.

Makakasama sina Roque at Maulas sa finale sa Disyembre 8 sa SM MOA grounds sa Pasay City.

Makakasabayan ni­la ang 500 runners na mag-aagawan para sa championship title at isang all-expenses paid trip sa 2014 Paris Marathon sa pamamagitan ng MILO.

Isang beteranong mid-distance runner, ginamit ni Maulas ang kanyang bilis para iposte ang bilis na 1:15:53 at talunin sina Ganny Lou Coloma (1:23:51) at Ronald Salgado (1:24:01).

Ang 24-anyos na si Maulas, nagtapos sa University of the East-Manila, ay ilang beses nang nanalo sa UAAP sa 800m at 1,500m events at tumapos na ikaapat sa 2011 ASEAN University Games sa Thailand.

 

 

ANGELES CITY

GANNY LOU COLOMA

MAULAS

NIKKI ROQUE

PARIS MARATHON

PASAY CITY

RONALD SALGADO

UNIVERSITY GAMES

UNIVERSITY OF THE EAST-MANILA

WENLIE MAULAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with