^

PSN Palaro

Taclobanon naibsan ang lungkot sa panalo ni Pacquiao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi naging hadlang ang sakit dulot ng trahedya ng super typhoon Yolanda sa mga taga-Tacloban para panoorin at suportahan ang laban ni Manny Pacquiao kontra kay Brandon Rios kahapon.

Magkakatabi ang mga nawalan ng bahay, mga tumutulong sa paghahanap ng iba pang nawawala, sundalo at iba pa na masusing tinutukan ang laban sa Cotai Arena sa The Venetian, Macau, China.

Umani ng malakas na sigawan at palakpakan ang mga nagsisaksi nang ideklarang nanalo si Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision.

“I am so very, very happy. Manny gave us something to cheer about in these times of despair,” wika ni Sonia Reyes.

Wasak ang bahay ng 35-anyos na si Sonia at hindi pa malaman kung paano ang kinabukasan niya pero kahit sandali ay nalimutan niya ang mabigat na problemang hinaharap dahil sa tagumpay ng Pambansang kamao.

Ang mga awtoridad sa Tacloban ay nagtayo ng wide screens sa tatlong lugar sa Tacloban City at isa rito ay sa open-air plaza na kasing-laki ng football field at hindi inalintana ng mga nanood ang init ng sikat ng araw mapanood lamang ang iniidolo sa boxing.

Ang bagyong Yolanda na kilala rin sa internatio­nal name na Haiyan, ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa isang bansa ngayong taon at tinatayang nasa 5,200 tao ang namatay. May 4.4 milyon ang nawalan ng tirahan habang P22 bilyon ang halaga ng mga pananim at imprastraktura na nasira.

Nagpalabas din ng mensahe ng pagbati ang Malacañang sa pamamagitan ni Herminio Coloma at kanyang sinabi na ang ipinakita ni Pacman na buma­ngon mula sa dalawang pagkatalo ay inspirasyon ng mga mamamayan ng Tacloban para maigupo ang hamon na hatid ng trahedya.

“Muli niyang pinagbuklod ang isip ng mamamayan na nahaharap sa matinding pagsubok dahil sa trahedya na sumapit sa ating bansa. Tulad ni Manny, magiting natin na haharapin at mapagtatagumpayan ang mga suliranin na kasalukuyan nating binabalikat,” wika ni Coloma.

 

BRANDON RIOS

COTAI ARENA

HERMINIO COLOMA

SONIA REYES

TACLOBAN

TACLOBAN CITY

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with