Marquez, 3 pa kampeon sa PIO kegfest
MANILA, Philippines - Lumabas na mga kampeon sina PBA’s Jesse Marquez, MTBA’s Lydia Castro, TBAM/Prima/ROs Enzo Hernandez at BTA/Prima’s Kim Lao sa apat na events sa 42th Philippine International Open tenpin bowling championships noong Huwebes sa Sta. Lucia Mall center sa Sta. Lucia East Grand Mall sa Cainta, Rizal.
Sina Marquez at Castro ay kampeon sa Rookie Masters competition sa 20Â14 at 1764 pinfalls sa 10 games.
Nagpagulong naman sina Hernandez at Lao ng 2103 at 1956 para dominahin ang Youth Masters.
Samantala ang mga Malaysians na sina DaÂyang Khairnuiza at Hee Kar Yen ang nalagay sa unang puwesto sa Class O ladies’ singles, All Events at ladies’ Open Masters elimination.
Si Khairnuiza ang lumabas bilang pinakamahusay sa ginawang 704 sa singles upang pangunahan si Hee (702).
May kabuuan siyang 1372 para umabante sa Open Masters’ qualifying round.
Nagtala pa ng 1511 si Khairnuiza upang pamunuan ang Class O All Events.
Ang final round sa men’s Open Masters at Graded Masters finals ay pinaglalabanan habang isinusulat ang balitang ito.
Ang torneo na inorÂganisa ng Philippine Bowling Congress at may basbas ng WTBA at ABF at may ayuda pa ng Sta. Lucia Mall, Boysen Paints, POC, PSC at PCSO bukod pa sa suporta ng University of Perpetual Help System, Richmonde Hotel Ortigas at National Bowling Tour.
- Latest