Sa Lions na ba?
Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena,
Pasay City)
12:30 pm CSB-LSGH
vs San Beda (Jrs.)
2:30 pm Letran
vs San Beda (Srs.)
MANILA, Philippines - Asahan ang mainit na suporta ng mga panatiko ng San Beda sa kanilang juniors at seniors team na magbabaka-sakali na maiuwi na ang dalawang titulong paglalaban sa 89th NCAA basketball ngayong hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Unang sasalang ang Red Cubs kontra sa host CSB-LSGH sa ganap na alas-12:30 ng tanghali at hanap ng una ang makumpleto ang 20-0 sweep tungo sa kampeonato.
Paborito ang tropa ni rookie coach Jayvee Sison matapos kunin ang 79-68 panalo sa Game One at tiyak na ang mga kamador na sina Arvin Tolentino, Adven Diputado, Joshua Caracut at Ranbill Tongco ang mga magtatrabaho uli para wakasan na ang tagisan sa juniors division.
Sunod na lalaban ang Red Lions kontra sa Letran dakong alas-2:30 ng hapon at pakay ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang maÂduplika ang 80-68 panalo sa unang bakbakan.
Mataas ang morale ng Lions pero tiniyak ni Fernandez na hindi nagkukumpiyansa ang kanyang bataan at inaasahan ang matinding laban mula sa Knights.
“We are focus and prepared for this game, we will continue to rely on our defense, to make stops and score,†wika ni Fernandez.
Ito ang magiging ikalawang sunod na taon na hihiyain nila sa Finals ang Knights para palawigin sa 18 ang bilang ng titulong napanalunan sa liga at pang-apat na sunod pero una sa panig ni Fernandez.
“I will try to give the team defense. The coach has said that we have to go with our system,†wika naman ni 6’8 Ola Adeogun na muÂling makikipagtapatan sa higante ng Knights na si Raymond Almazan.
Ang 6’7 center na si Almazan ay pararangalan muna bilang MVP ng liga sa seremonyang gagawin bago magsimula ang seniors game.
Tumapos ang third pick sa PBA Draft taglay ang 16 puntos na ginawa lahat sa second half. Pero sa third period lamang siya tunay na gumawa nang maghatid ng 14 para bigyan ang Knights ng 53-47 kalamangan.
Ngunit nawala siya sa fourth period at hinayaan na mamayagpag si Adeogun at ang mga guards ng Lions upang kumumbra ng 33 puntos ang kalaban tungo sa panalo.
Maliban kay Almazan, ang mga beteranong sina Mark Cruz, Kevin Racal at Jonathan Belorio ang mga aasahan ni coach Caloy Garcia ngunit kailangan nila ng produksyon ng bench tulad nina John Tambeling at Rey Nambatac na nalimitahan sa pinagsamang anim na puntos.
“We can bounce back if we win this game. But we can’t rely only on our starters, Our bench plaÂyers need to produce,†pahayag ni Garcia.
Kung manalo ang Knights, ang do-or-die Game Three ay itinakda sa Sabado sa Mall of Asia Arena.
- Latest
- Trending