Kikitain sa Shakey’s All Star ibibigay sa mga biktima ni Yolanda
MANILA, Philippines - Ang unang Shakey’s All Star Weekend na pinaÂlakas ng Smart na magbubukas sa Sabado at Linggo sa The Arena sa San Juan ay hindi lamang magiging pagtitipon ng mga nakaraan at kasalukuyang players kundi magsisilbi rin bilang isang fund-raiser para sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’.
Ang nagtataguyod na Shakey’s at nag-oorganiÂsang Sports Vision ang nagbigay na ng sapat na pondo para simulan ang naturang fund drive kung saan ang mga mabebentang tiket sa naturang two-day event na nakatakda sa Nobyembre 16-17 ay ibibigay sa mga biktima ng bagyo na nanalasa noong Biyernes sa Central Visayas.
Ang Shakey’s All Star ang magtatampok sa 10th season ng premier woÂmen’s volley league kasama ang mga top stars kagaya nina Mary Jean Balse, Michelle Carolino, Rachel Ann Daquis, Aiza Maizo, Suzanne Roces at Angeli Tabaquero.
Sisimulan ang Shakey’s All Star Weekend sa pamamagitan ng isang volley interaction camp sa Sabado kasama ang mga league stars na magdaraos ng isang two-session clinic para sa mga volley enthusiasts at aspirants.
Magsisimula ang pagpapatala sa alas-7 ng umagas sa Sabado sa isang first-come, first-served basis at ang fee ay P200 per session, kasama dito ang isang camp shirt.
- Latest