^

PSN Palaro

Magandang pabaon kay Almazan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anuman ang mangyari sa Finals sa pagitan ng Letran at San Beda, tiyak nang magiging memorable ang huling taon ni Raymond Almazan sa NCAA men’s basketball.

Ang 6’7 center ng Knights ay tatanggap ng tatlong individual awards bilang pabaon sa pag-akyat niya sa PBA.

Matatandaan na siya ay kinuha bilang number three pick sa overall sa PBA Draft noong Linggo ng Rain or Shine.

Tampok na parangal na maibubulsa ni Almazan ay ang Most Valuable Player award matapos makalikom ng nangungunang 55.61 statistical points matapos ang double-round elimination.

Ang tubong Bataan na si Almazan ay naghatid ng 14.7 puntos, 14.3 rebounds at 2.7 blocks para ilagay ang tropa ni coach Caloy Garcia sa pangalawang puwesto sa 14-4 baraha.

Pinatunayan naman niya na siya nga ang pina­kamahusay na manlalaro sa liga nang kumana ng 19 puntos, 23 rebounds at 9 blocks nang ipasok ang Knights sa Finals sa 85-58 dominasyon sa San Sebastian sa Final Four noong Huwebes.

Tinalo ni Almazan sa prestihiyosong parangal sina Olaide Adeogun ng San Beda (50.33) Ha­rold Arboleda ng Perpe­tual Help (46.78), Noube Happi ng Emilio Aguinaldo College (46.56) at Nosa Omorogbe ng Altas (44.71)

Ang huling apat na manlalaro na nabanggit ay kasama sa Mythical Five tulad ni Almazan.

Ang ikatlong individual award ni Almazan ay ang Defensive Player of the Year matapos ang 7.83 defensive rebounds, 2.72 blocks at .61 steals averages sa 18 laro.

Si Adeogun (8.28 defensive rebounds, 1.61 blocks at .17 steals) ang pumangalawa habang si Happi (7.11 defensive rebounds, .61 blocks at 1.2 steals) ang pumangatlo.

Nagbunyi rin ang Perpetual Help dahil si Juneric Baloria ang kinilala bilang Rookie of the Year habang ang back-up center ng Jose Rizal University na si Michael Mabulac ang Most Improved Player.

Tinapatan naman ni Rashleigh Rivero ng CSB-LSGH ang naabot ni Almazan sa juniors division nang makuha ang tatlong awards. MVP si Rivero sa naitalang 67.17 SP bukod sa pagiging kasapi ng Mythical Team at Defensive Player sa 10.83 defensive rebounds, 1.03 blocks at 1.17 steals averages. (AT)

ALMAZAN

CALOY GARCIA

DEFENSIVE PLAYER

DEFENSIVE PLAYER OF THE YEAR

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY

JUNERIC BALORIA

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->