^

PSN Palaro

Gilas-Pilipinas pararangalan ng 1973 at 1986 ABC team

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pamumunuan ng mga miyembro ng 1973 Asian Basketball Confederation squad sa pangunguna ni team captain Jimmy Ma­riano at ang mga miyembro ng 1986 team na babanderahan ni Samboy Lim ang pagbibigay ng para­ngal sa Gilas-Pilipinas pla­yers sa PBA Press Corps’ “A Banquet of Heroes” Awards Night sa Martes sa Wack Wack.

Si Mariano, dating University of the East Warrior, ang team captain ng Philippine Five na nagkampeon sa ABC event 40 taon na ang nakararaan na siyang pinakahuling pagkakataon na pinangasiwaan ng bansa bago ito gawing FIBA-Asia Championship.

Pumangalawa ang Gilas-Pilipinas sa 27th Fiba-Asia noong Agosto at nakapasok sa World Championship na idaraos sa Spain sa 2014.

Pararangalan din sa event na nakatakda sa alas-7 ng gabi sa Banquet B ng Wack-Wack ang Coach of the Year at Executive of the Year sa nakaraang PBA Season.

Ang Team PBA, pinamumunuan nina commissioner Chito Salud at dating chair Robert Non, ang leading contender para sa Executive of the Year award na ipinangalan kay Danny Floro ng legendary Crispa team.

Inakay nina Salud at Non ang PBA sa matagumpay na season, habang ang mga team owners, sa pamumuno ni Talk ‘N Text at Meralco big boss Manny V. Pangilinan, ay nagpahiram ng kanilang mga players sa Gilas-Pilipinas Five.

 

A BANQUET OF HEROES

ANG TEAM

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIAN BASKETBALL CONFEDERATION

AWARDS NIGHT

BANQUET B

CHITO SALUD

COACH OF THE YEAR

EXECUTIVE OF THE YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with