Knights vs Lions sa NCAA finals dinispatsa ang Stags at Altas
MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na taon ay magkikita uli sa finals ang San Beda at Letran.
Ito ang magaganap nang durugin ng Lions at Knights ang Perpetual Help at San Sebastian sa 89th NCAA men’s basketball Final Four kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Umatungal ng maÂlaÂkas ang mga Lions sa pagbubukas ng huling yugto nang pakawalan ang 15-2 palitan upang ang isang puntos na kalamaÂngan sa pagtatapos ng ikatlong yugto ay naging 14 puntos, 53-39, sa huing 5:40 ng labanan.
Pinakamalaking kalaÂmangan sa laro ay 21 puntos, 70-49, sa pangaÂlawang tres sa yugto ni Arthur dela Cruz upang manatiling buhay ang paghahabol ng Lions ng ikaapat na sunod na titulo.
Si Ola Adeogun ay may 11 para sa Lions.
Tumapos ng tig-siyam na puntos sina Rome dela Rosa at Dan Sara na gumawa ng 3-tres sa ikatlong yugto para pagningasin ang naunang malamig na opensa ng Lions.
“Wala na kaming ibang inisip kungdi ang larong ito,†wika ni Lions coach Boyet Fernandez.
Matatandaan na nalalagay sa kontrobersya ang San Beda matapos ang akusasyon ng paglalaro ni Ryusei Koga sa ibang liga kasabay ng NCAA.
Dahil nakabinbin pa ang imbestigasyon, nagdesisyon ang pamunuan ng koponan na huwag ng paglaruin si Koga sa Playoffs.
Ang Knights ang siyang makakatuos uli sa Finals ng Lions matapos mangibabaw sa San Sebastian, 85-58, sa unang laro.
Ang Finals na lalaruin sa best-of-three series ay sisimulan sa Lunes sa MOA Arena.
- Latest