^

PSN Palaro

Judiciary kukunin na ang korona vs PNP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilagay ang pangalan b­ilang kauna-unahang kampeon ng 1st UNTV Cup ang balak gawin ng Judiciary sa pagharap uli sa Philippine National Police sa Game Two ng Finals ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ganap na alas-8 ng gabi gagawin ang tagisan at hanap ng koponang ha­wak ni Dennis Balason ang maulit ang 80-76 panalo sa unang tagisan sa best-of-three Finals noong Oktubre 27.

Bago ang larong ito ay matutunghayan muna ang exhibition game sa pa­gitan ng PBA Legends at koponang binubuo ng mga public servants at celebrities sa ganap na alas-6 ng gabi.

Nakitaan ng katatagan ang Judiciary sa unang ta­gisan nang nanalo kahit nakitang naglaho ang double-digits na kalama­ngan sa halftime.

Si Don Camaso ay gumawa ng 24 puntos pero sina John Hall at ang mga off-the-bench players na sina John Herbert Bergonio at Frederick Salamat ang mga nagtrabaho sa huling 10 minuto para ipalasap sa PNP ang unang pagkatalo matapos ang pitong sunod na panalo.

Ang mahusay na teamwork ang patuloy na sasandalan ng Judiciary pero tiyak na sisikapin nilang magpakita ng mas matin­ding depensa upang pigilan sa Olan Omiping.

Ang dating UE gunner na si Omiping ay gumawa ng 42 puntos para sa PNP pero kinulang siya ng suporta para kapusin ang koponan.

Kung manalo ang Judiciary, maibubulsa rin ng koponan ang P1 milyong prem­yo na ibibigay ng Breakthrough and Milestone Production International sa mapipiling paboritong charitable institution.

 

vuukle comment

BREAKTHROUGH AND MILESTONE PRODUCTION INTERNATIONAL

DENNIS BALASON

FREDERICK SALAMAT

GAME TWO

JOHN HALL

JOHN HERBERT BERGONIO

OLAN OMIPING

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with