Bagitong team sasabak sa D-League opening
MANILA, Philippines - Dalawang beterano at dalawang baguhan ang magtatangka ng unang panalo sa pagbubukas ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Huwebes (Oktubre 24) sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
May 14 koponan ang magtatagisan sa papasok na D-League at unang magpapanagupa ay ang Café France at Cagayan Valley sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng tagpuan ng mga rookie teams na Derulo AcceÂlero Oilers at Zambales M-Builders.
Ang Oilers ay hahawakan ni dating PBA cager Paolo Mendoza at hudyat ito ng kanyang paglipat ng career mula sa pagiging isang basketbolista tungo sa pagiging head coach.
Makakasama niya bilang assistant coaches ang mga dating manlalaro na sina Ralph Rivera,Christian Coronel, Warren Ybanez at Dennis Espino.
Lima ang mga bagong koponan na kasali at ang Arellano University/Air 21, Banco de Oro at Wangs Basketball Couriers ang kukumpleto sa talaan.
Ang multi-titled NLEX Road Warriors ang manguÂnguna sa mga beterano kasama ang Blackwater Sports, Big Chill, Boracay Rum Waves, Cebuana Lhuillier, Hogs Breath Café at Jumbo Plastic Linoleum.
Single-round robin ang magaganap sa mga kasali at ang mangungunang daÂlawang koponan ay didiretso sa semifinals habang ang apat na susunod na teams ay sasalang sa crossover quarterfinals na kung saan ang numbers three at four ay may twice-to-beat.
Ang isang kasali ay pahinga na.
Ang NLEX ay bubuuin ng core players ng San Beda at dahil sa ang NCAA ay matatapos pa sa Nobyembre16, ang Road Warriors ay magbubukas ng kanilang kampanya sa Nobyembre 18.
‎ Ang NLEX at Elite ang mga ipinalalagay na maÂlakas na koponan pero paÂlaban ang Boracay Rum dahil nasa koponan ang mahusay na Fil-Italian at kasapi ng ABL champion team na San Miguel Beer na si Chris Banchero.
- Latest


















