^

PSN Palaro

Petron ‘di na pagbibigyan kukunin na namin! - Yap

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kanilang mga kamay na ang pagkakataon para makuha ang korona ng 2013 PBA Governors’ Cup.

Kaya naman sinabi ni two-time PBA Most Valua­ble Player James Yap na hindi na nila pakakawalan ang tsansang makamit ang kanilang ika-10 PBA championship.

“Talagang pipili­tin na naming kunin ito sa Wed­nesday,” wika ni Yap sa 3-2 bentahe ng San Mig Coffee laban sa Petron Blaze sa kanilang best-of-seven championship series.

Nanggaling ang Mixers sa 1-2 agwat sa serye bago manaig sa Game Four, 88-86, noong Biyernes at sa Game Five, 114-103, noong Linggo.

Sa tagumpay ng San Mig Coffee sa Game Five, humugot si Yap ng pito sa kanyang 14 points sa kru­syal na fourth quarter, habang umiskor si PJ Simon ng 10 sa kanyang 17 markers.

Aminado si Yap na hindi basta-basta ibibigay ng Petron ang panalo sa kanila sa Game Six bukas sa Smart Araneta Coliseum.

“Ganoon talaga eh, kapag malapit ka na sa dulo doon ka pa maghihirap na kunin kasi alam naman natin ang Petron, talagang patayan ‘yan eh,” sabi ni Yap.

“I’m sure sa Wednesday talagang gagawin ng dalawang teams ang lahat para manalo. Mas magiging physical and aggressive din sila,” dagdag pa ng dating pambato ng University of the East Red Warriors sa Boosters.

vuukle comment

GAME FIVE

GAME FOUR

GAME SIX

MOST VALUA

PETRON

PETRON BLAZE

PLAYER JAMES YAP

SAN MIG COFFEE

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with