^

PSN Palaro

Tamayo kumpiyansang matutuloy ang SEAG

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May kumpiyansa si SEA Games Chief of Mission Col. Jeff Tamayo na matutuloy ang laro sa Myanmar kahit may nangyayaring pambobomba sa ilang lugar doon.

Naniniwala si Tamayo na ang nangyayaring pambobomba ay ginagawa para makuha ang atensyon ng pamahalaan pero kumbinsido siyang walang malaking grupo sa Myanmar na kayang gumawa ng mas malaking kaguluhan.

“Noong nagpunta kami sa Myanmar ay sinabihan na kami  na may mga ethnic at religious tensions na nangyayari sa kanilang bansa kaya hindi na ako nagulat sa nangyayari ngayon. Pero pa-isa-isa lang ito sa tingin ko at hindi ito mauuwi sa tulad sa nangyari sa Zamboanga sa atin,” wika ni Tamayo, ang second VP ng POC at pangulo ng soft tennis sa bansa.

Dalawang tao na ang namatay dahil sa pambo­bomba na nangyari sa Yangon, Mandalay at Naypyitaw.

Sa Naypyitaw ang sentro ng mga laro sa SEA Games na itinakda mula Disyembre 11-22.

Pinakakalma rin ng Myanmar organizers ang lahat ng mga bansang sasali sa kompetisyon nang ihayag ang pagpapaigting sa seguridad para matiyak na ligtas ang mga sasali.

“The Ministry of Home Affairs will gather information and make security arrangements for the whole of Naypyidaw, Mandalay and other areas. We will be increasing the security for the SEA Games not only for these areas but the whole country. I am confident security will be fine for the games,” wika ni  SEA Games Operation  Committee Chairman at Deputy Minister of Sports Zaw Winn sa panayam na lumabas sa Channel NewsAsia.

Bagamat may tiwalang matutuloy ang laro, si Tamayo ay nakikipag-ugnayan din kay Col. Adel Navata na isang mataas na opisyal ng AFP intelligence department para makatulong sa pagsusuri sa sitwasyon sa Myanmar.

“Worst comes to worst ay puwede kong dalhin si Col. Navata sa delegation para makatulong natin sa intelligence at kahit sa security ng mga kasapi ng delegation. Siya ay uncle ng isang Fil-Am swimmer na kasama sa delegation kaya dual purpose ang gagawin niya,” dagdag ni Tamayo.

Nasa 208 ang bilang ng atleta na dadalhin ng Pilipinas at magtatangka na manalo ng 35 hanggang 40 gintong medalya.

ADEL NAVATA

COMMITTEE CHAIRMAN

DEPUTY MINISTER OF SPORTS ZAW WINN

GAMES CHIEF OF MISSION COL

GAMES OPERATION

JEFF TAMAYO

MANDALAY

MYANMAR

TAMAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with