Rising Suns winalis ang elims at quarters ng V-League
MANILA, Philippines - Tuluyan nang winalis ng Cagayan Province ang elimination at quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference matapos talunin ang Philippine Army, 25-15, 20-25, 19-25, 25-18, 15-9, kahapon sa The Arena sa San Juan.
Ipinoste ng Rising Suns ang matayog na 12-0 record patungo sa Final Four bilang No. 1 team.
Lalabanan ng Cagayan ang No. 4 squad na PhilipÂpine Air Force sa best-of-three semifinals series na magÂÂsisimula bukas.
Sasagupain naman ng No. 2 Army ang third seeded na Smart-Maynilad para sa isa pang labanan sa finals berth.
Bumangon ang Rising Suns mula sa isang 1-2 agwat sa likod nina Thai ace Kannika Thipachot, Aiza Maizo at Angeli Tabaquero patungo sa kanilang tagumpay.
Sa unang laro, nagposte ng 22 kills at dalawang blocks si Joy Gazelle Cases para bigyan ang Air Force ng 25-16, 25-22, 14-25, 25-17 panalo kontra sa Philippine National Police.
Si Judy Ann Caballejo ay naghatid pa ng 14 kills, haÂÂbang tumulong din sa pag-atake si Maika Ortiz para bigÂyan ang Air Women ng 57-46 kalamangan sa attacks.
Lumutang naman sa depensa si Liza de Ramos nang magÂtala ng anim na blocks upang tapatan ang nagawa ng PNP bilang isang koponan.
Hindi naman nagpahuli ang setter na si Rhea DiÂmaculangan na naglista ng 43 excellent sets bukod sa anim na digs para kunin ng Air Force ang ikapitong paÂnalo matapos ang 12 laro sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Ang panalo ay magagamit ng koponan bilang momentum sa Final Four kung saan nila makakatapat ang No. 1 team na Cagayan Province.
Nalaglag ang PNP sa 2-10 karta at sina Thai import Sangmuang Patcharee, Frances Molina at Janine Marciano ang nagdala ng laban sa 17, 15 at 14 hits.
- Latest