Sa kabiguang mawalis ang La Salle Green Archers sa 76th UAAP Finals Tigers sinisi ang sarili
MANILA, Philippines - Walang ibang sinisi si University of Sto. Tomas head coach Alfredo JaÂrencio kundi ang kanilang mga sarili sa pagkatalo sa De La Salle University sa Game Two ng 76th UAAP Finals noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
“Wake up call ito sa atin. Akala natin its going to be easy,†wika ni Jarencio maÂtapos lumasap ng 77-70 pagkatalo.
Alam ng Tigers na maÂÂgiÂging malakas ang pagÂbalikwas ng Green Archers matapos ang 72-73 pagkatalo sa Game One.
May mga plano na rin siÂlang inihanda para taÂpaÂtan ito ngunit hindi nila ito naÂgawa.
“May mga dapat kaÂming gawin na hindi namin nagawa. Na-out of focus kami,†ani Jarencio.
Nakasama rin ang pagpapahintulot sa kanilang mga panatiko na dumalo sa kanilang practice bago ang Game Two dahil nawala ang konsentrasyon ng mga players dahil tila isang selebrasyon ang nangyari maÂtapos bumaha ng mga pagkain.
Sa hindi rin maipaliwanag na kadahilanan ay natrapik din ang koponan pagÂtungo sa Big Dome dahilan upang hindi magawa ang mga nakasanayang gaÂwian ng koponan bago huÂmarap sa laro tulad ng pagrorosaryo.
Sa laro ay inabot hindi ng kamalasan ang Tigers nang tawagan agad ng daÂlaÂwang fouls ang sentrong si Karim Abdul sa unang yugto para bumagsak ang depensa sa shaded area.
Iniwan kaagad ng La Salle ang UST sa rebounÂding sa first half, 35-21, baÂgo nakontento sa 57-39, tamÂpok ang 27-10 sa offensive glass.
Si Jeric Teng ay humataw ng 28 puntos mula sa 10-of-22 shooting pero ang bida sa Game One na si Kevin Ferrer ay nawala sa ikalawang pagtutuos.
Matapos gumawa ng 20 puntos na nilakipan ng limang tres, si Ferrer ay nagÂkaroon lamang ng anim na puntos mula sa 1-of-6 shooting.
Hindi naman dapat na maÂwalan ng pananalig ang mga kakampi ni Tigers dahil ang isang linggong paÂgitan bago ang deciding Game Three sa Oktubre 12 ay gagamitin ng koponan para maibalik uli ang dating bangis ng paglalaro.
Hanap ng Tigers na maiÂÂbaon sa limot ang pangÂyayari noong 1999 nang ang La Salle na pinamuÂmunuan ni team captain at ngayon ay San Juan CiÂty Vice Mayor Francis ZaÂmora ay nagkampeon kaÂhit natalo sa Game One.
“DLSU played really well and our team was outhustled,†tweet ni Teng.
- Latest