Reyes tutumbok sa 2013 World Pool Masters
MANILA, Philippines - Sundan ang mga taÂgumÂÂpay na nakuha ng Pilipinas sa larangan ng bilyar ang pagkakataong ibinibigay kay Efren “Bata†Reyes.
Si Reyes ang natataÂnging manlalaro sa bilyar na naimbitahan para sumali sa 2013 World Pool Masters sa Metrodome sa Barnsley, United Kingdom.
Ang kompetisyon ay gagawin mula Oktubre 25- 27 at 16 pangunahing manlalaro, kasama ang isang babae, ang imbitado na sumargo sa kompetisyon.
Ang iba pang imbitado na naging world champion tulad ni Reyes ay sina Mika Immonen, Daryl Peach, Darren Appleton, Ralf Souquet, Niels Feijen at Shane Van Boening. Ang lady plaÂyer na isinali ay si Ga Young Kim.
Knockout ang format ng torneo at paglalabanan ito sa race-to-eight at si Reyes ay sasalang sa laro sa ikalawang araw sa Oktubre 26 kontra kay Immonen.
Si Francisco Bustamante ay isa sa tatlong manlaÂlaro sa mundo na nanalo ng dalawang kampeonato na nangyari noong 1998 at 2001 at si Dennis Orcollo ay noong 2010 nanalo.
- Latest