^

PSN Palaro

U-16 team wagi sa India, No. 1 sa quarters

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos ng Pilipinas ang laro sa second round sa 2013 FIBA Asia U-16 Championship sa pamamagitan ng 78-67 panalo sa India na ginawa kahapon sa Tehran, Iran.

Isang 17-8 bomba ang pinakawalan ng nationals sa ikatlong yugto para maisantabi ang pagdikit ng India sa isang puntos, 34-33.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Pilipinas sa Group F para tapusin ang mga laro bitbit ang 4-1 baraha.

Tinalo naman ng Japan ang dating walang man­tsang Chinese Taipei, 96-76, para magkaroon ng 3-way tie sa unang puwesto sa 4-1 baraha.

Nabiyayaan ang Pilipinas ng pangyayari dahil ang koponan ang may pinakama­gandang quotient upang maging number one habang ang Japan at Chinese Taipei ang kumuha sa ikalawa at ikatlong puwesto at ang Kazakhstan (1-4) ang ikaapat na koponan na umabante sa knockout quarterfinals .

Makakalaban ng Pilipinas ang Iran (2-3) na pumang-­apat sa Group  E.  Ang makukuhang panalo ng Pambansang koponan ang magpapalawig sa ikatlong sunod sa tatlong edisyon ng torneo na nasa Final Four ang Pilipinas.

May 26 puntos mula sa bench si Jose Go IV, kasama ang anim na tres, habang si Mike Nieto ay naghatid ng 16 puntos.

Hindi kagandahan ang shooting ng Pilipinas na 37% (31-of-83) pero bumawi ang nationals sa depensa nang hiritan ng 21 errors ang India.

Sina Mahipal Singh at Jaipal Singh Maan ang namuno sa India sa kanilang  tig-14 puntos at tinapos nila ang laban bitbit ang 1-4 karta.

ASIA U

CHINESE TAIPEI

FINAL FOUR

GROUP F

JAIPAL SINGH MAAN

JOSE GO

MIKE NIETO

PILIPINAS

SINA MAHIPAL SINGH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with