Rios nakikinabang kay Ariza
MANILA, Philippines - Kakaibang diskarte sa kanyang training camp ang nararanasan ngayon ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios matapos kunin ang dating strength and conditioning coach ni Manny Pacquiao na si Alex Ariza.
Sa panayam ng HustleBoss.com, sinabi ni Rios na bagama’t napapagod siya ay masaya naman siya sa ginagawa sa kanya ni Ariza.
“It’s something diffeÂrent,†sabi ni Rios. “Different exercises I’ve been doing. It’s tiring. I do get tired. I felt that I’m more tired this time. But, hey, I love to work out and I think it’s going to come out good. That workout is just insane. After that, and coming to the gym we’ll be ready.â€
Pinasibak nina trainer Freddie Roach si Ariza kay Pacquiao dahil sa sinasabi nitong pakikialam ng strength and conditioning coach sa kanyang diskarte sa boxing gym.
Nakatakdang labanan ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) si Rios (31-1-1, 23 KOs) para sa World BoÂxing Organization International welterweight title sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.
Habang nasa maigting na preparasyon na ang 27-anyos na si Rios ay sa susunod na buwan pa igigiya ni Roach ang 34-anyos na si Pacquiao sa training camp sa General Santos City.
Kasalukuyang sinasaÂnay ni Roach si dating world welterweight titlist Miguel Cotto para sa isang non-title fight kontra kay Delvin Rodriguez sa Oktubre 5 sa Orlando, Florida.
- Latest