^

PSN Palaro

Manny may money

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Umuugong ang balitang bankrupt daw si Manny Pac­quiao.

Si Manny Pacquiao ba kamo?

Mahirap yata paniwalaan na sa dinami-dami ng kan­yang kinita sa mga huli niyang laban ay mauubusan siya ng pera sa bulsa.

Hindi siguro masyado nag-imbestiga ang mga nag-uulat ng balitang ito. Baka puro kwentong walang tunay na basehan.

Isa si Pacquiao sa pinakamayamang atleta sa buong mundo at may mga taong nakalipas na mas malaki pa ang kinita niya kaysa kina Tiger Woods o Kobe Bryant.

Tumabo si Pacquiao ng mahigit $20 million sa bawat laban niya sa  nakalipas na dalawa o tatlong taon.

Saan napunta ang pera?

Maraming ari-arian si Pacquiao. Kaliwa’t kanan. Pinakahuli na dito ang kanyang mansion sa Forbes Park na nagkakahalaga ng mahigit P300 million. May mga negosyo din siya.

Minsan nga ay naikwento niya sa akin na may pro­perty siya sa probinsiya na kung hindi pa siya napaalalahanan ay nakalimutan na niya ang pag-aaring ito.

Halos isang taon na hindi lumaban si Pacquiao. Tumakbo pa siya sa election kasama ang kanyang asawa at kapatid.

Natural, gumastos ng malaki. Natural, nabawasan ang kaban.

Nasa balita din na dinispatsa na niya ang bahay nila sa Los Angeles pero ang dahilan naman pala ay may bago siyang bahay na gustong bilhin sa LA.

Kung kailan siya tumigil mag-casino ay tsaka pa siya magiging bankrupt?

Mahirap paniwalaan.

Sa darating na laban ni Pacquiao kay Brandon Rios, kikita na naman siya ng mahigit $20 million na sa ating salapi ay kulang-kulang isang bilyon.

Bankrupt ba kamo?

vuukle comment

BRANDON RIOS

FORBES PARK

KOBE BRYANT

LOS ANGELES

MAHIRAP

MANNY PAC

PACQUIAO

SI MANNY PACQUIAO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with