^

PSN Palaro

Stags magpapalakas vs Blazers

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikalimang sunod na panalo na magdidikit sa pumapangatlong Letran ang pagsisikapang gawin ngayon ng San Sebastian sa pagharap sa St. Benilde sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Lumasap ng di inaasahang 64-87 pagkadurog ang Letran sa kamay ng inspiradong Emilio Aguinaldo College upang mabuksan ang pintuan sa mga koponang nasa ibaba na magkaroon ng tsansa para sa ikatlong yugto.

Ang Stags na  may 8-5 baraha at nasa ikaapat na puwesto ang isa sa mabibiyayaan kaya’t tiyak na pupukpok ang koponan sa pagharap sa host St. Benilde sa ganap na alas-4 ng hapon.

May four-game winning streak ang tropa ni coach Topex Robinson at huling tinalo ay ang Lyceum, 58-53.

Sa kabilang banda, ang Blazers ay may 5-8 baraha at may limang laro na lamang ang natitira sa kanilang iskedyul at dapat nilang maipanalo ang lahat ng ito para gumanda ang tsansa na makahirit ng playoff para sa Final Four.

Ganito rin ang sitwasyon ng Jose Rizal University at Arellano na magtatapat sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi.

vuukle comment

ANG STAGS

ARELLANO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

ST. BENILDE

TOPEX ROBINSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with