^

PSN Palaro

Air Force muling magtatangka

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

2 p.m.  PNP vs Air Force

4 p.m.  Army vs Smart

 

MANILA, Philippines - Puwesto sa quarterfinals ang tatargetin uli ng Philippine Air Force sa pagharap sa Philippine National Police sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ikaapat na panalo sa anim na laro ang nakataya para sa Air Women kung mananaig sa PNP sa alas-2 ng hapon na tagisan.

Naglaro ang Air Force noong Biyernes at pinataob nila ang Philippine Navy, 25-18, 25-19, 25-16, para makatiyak ng playoff.

Kailangang mapanatili nina Joy Cases at Judy Ann Caballejo ang magandang laro na naipakita laban sa Lady Sailors para makatiyak na ng puwesto sa susunod na yugto sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Asahang gagawin ng PNP ang lahat ng makakaya para pigilan ang Air Force at makuha rin ang unang panalo matapos ang apat na sunod  na pagkatalo.

Paglalabanan naman ng Army at Smart ang ikalawang puwesto sa kanilang tagisan dakong alas-4 ng hapon.

Okupado ngayon ang puwestong paglalabanan ng Army sa 4-1 karta matapos pabagsakin ang Meralco sa straight sets, 25-21, 25-16, 25-18.

May 4-2 baraha naman ang Smart-Maynilad at nais nilang wakasan ang kampanya sa elimination round sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa mula sa panalo.

Matitinding paluan ang inaasahang mangyayari sa larong dito dahil loaded ng mga spikers ang magkabilang koponan.

vuukle comment

AIR FORCE

AIR WOMEN

JOY CASES

JUDY ANN CABALLEJO

LADY SAILORS

LARO NGAYON

OPEN CONFERENCE

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with