Panalo ng Ateneo sa UE ‘di binawi, Perasol sinuspindi uli
MANILA, Philippines - Mananatili ang panalong naitala ng Ateneo sa UE kahit napatunayan na nasa Smart Araneta Coliseum si Eagles coach Bo Perasol na sinuspindi sa nasabing labanan.
Sa pagpupulong ng UAAP board kahapon sa Casa Espanol sa Manila, pinanatili ng pamunuan ang 77-72 panalo ng Blue Eagles sa Red Warriors na nangyari sa Mall of Asia sa Pasay City noong nakaraang Linggo.
Pero nagdesisyon ang Board na ulitin ang suspension kay Perasol dahil sa kanilang pananaw ay hindi niya sinilbihan ang kaparusahan na ibinaba sa kanya nang makipag-away sa isang La Salle fan.
“He is not being suspended again. Coach Bo was in the game venue when he was supposed to be serving his suspension. That is why the board decided that he should be serÂving the penalty,†paliwanag ni board secretary Malou Isip ng Adamson University.
Wala namang ipinataw na suspension ang board kay Ralf Olivares na nanood din ng laro sa may UE bench kahit sinisilbihan ang pangalawang suspension noong ginanap ang laro.
Ang panalo ng Eagles sa Warriors ang nagpatalsik sa huli sa liga sa tinamong ikapitong pagkatalo sa 12 laro.
Hindi pa naman nataÂtanggap ni Perasol ang ibinabang desisyon pero inihayag niyang tatanggapin niya ito.
Sisilbihan ni Perasol ang suspension sa huling laro sa elimination round ng Eagles kontra sa UST sa Miyerkules.
- Latest