WBC National finals itinakda sa Sept. 14
MANILA, Philippines - Sina six-time world chamÂpion Paeng NepomuÂceno, veteran internatioÂnalist Liza del Rosario at ang nagdedepensang kampeon sa kababaihan Krizziah Tabora ang mga namumuno sa mga maglalaban sa Bowling World Cup national title sa Setyembre 14 at 15.
Si Nepomuceno at 55 iba pang kalalakihan ay maglalaro ng 12 games sa Setyembre 14 habang sina Del Rosario, Tabora at iba pang finalists sa kababaihan ay magpapagulong ng 10 laro sa Setyembre 15 at ang mga ito ay matutunghayan sa Coronado Lanes.
May kabuuang 86 kalalakihan at 50 kababaihan ang magtutuos at ang mangungunang 34 male at female bowlers ay maglaÂlaro pa ng 12 at 10 games sa Paeng’s Midtown sa Setyembre 17 (men’s) at 18 (ladies).
Ang top eight sa magÂkabilang dibisyon ang sasabak pa sa eight games sa Setyembre 20 para malaman ang mangungunang tatlo na siyang magtatagisan para sa titulo.
Biyaheng patungong Krasnoyarsk, Russia ang makakamit ng hihiranging kampeon sa magkabilang dibisyon dahil sila ang kinatawan ng Pilipinas sa 49th Bowling World Cup.
Si Nepomuceno ang natatanging bowler sa mundo na nanalo ng apat na World Cup titles.
Noong nakaraang taon, si Tabora ay sinamahan ni Busan Asian Games gold medalist RJ Bautista para maglaro sa Wroclaw, Poland pero nabigo sila na bigyan ng titulo ang Pilipinas.
Si Tabora ay tumapos sa 14th spot habang nalaÂgay lamang sa 34th place si Bautista.
- Latest