^

PSN Palaro

Djokovic, Nadal muling maghaharap sa US Open finals

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK--Tinalo ng 2011 champion na si Novak Djokovic si Stanislas Wawrinka, 2-6, 7-6 (4), 6-3, 3-6, 6-4, sa semifinals ng US Open sa loob ng 4 oras at 9 minuto.

Makakatapat ng No. 1-seeded na si Djokovic si No. 2 Rafael Nadal sa finals.

Ito ang ka­nilang record na ika-37 paghaharap at ika­anim sa Grand Slam finals at ikatlo nila para sa korona sa Flushing Mea­dows matapos noong 2010.

Umiskor si Nadal ng isang 6-4, 7-6 (1), 6-2 tagumpay kontra kay  No. 8 Richard Gasquet ng France sa ikalawang semifinals match.

Naging maaksyon ang naturang Djokovic-Wawrinka match    kung saan ito natigil ng dalawang beses da­hil sa stan­ding ovations.

Ang sumasa­kit na kanang hita ni  Wawrinka ay nilagyan ng tape matapos ang isang medical timeout sa fourth set.

Sa kabila nito, naha­wakan pa niya ang isang 2-1 abante laban kay Djo­kovic sa nasabing yugto.

Pero ibang Djokovic ang napanood ng mga fans para selyuhan ang panalo.

Nagawa niyang  makaiwas sa match points para talunin si Roger Federer sa 2010 at  2011 U.S. Open semifinals.

Tinalo din niya si Na­dal sa 2012 Australian Open finals na natapos ng halos anim na oras.

AUSTRALIAN OPEN

DJOKOVIC

FLUSHING MEA

GRAND SLAM

NOVAK DJOKOVIC

RAFAEL NADAL

RICHARD GASQUET

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with