Navy nakatikim rin ng panalo diretsong sais sa Cagayan
MANILA, Philippines - Itinatak ng Cagayan ProÂvince ang kanilang marka sa Philippine Army sa pamamagitan ng 25-9, 25-16,25-20, straight sets panalo sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Walang depensa ang Lady Troopers sa matitinding pag-atake ng Lady Rising Suns sa unang dalawang sets at kahit nabigyan nila ng magandang laban sa ikatlong set ang kalaban ay hindi nila natapatan ang malakas na pagtatapos ng Cagayan at maÂnatiling nasa unahan sa 6-0 baraha.
Si Phomia Soraya ang siyang nangasiwa sa opensa sa tropa ni coach Nestor Pamilar sa kanyang 37 excellent sets at ang mga nabiyayaan nito ay ang tulad niyang Thai import na si Kannika Thipachot, Aiza Maizo, Angeli Tabaquero at Pau Soriano na pinaulanan ang Army ng mga matitinÂding spikes.
Sina Thipachot at TaÂbaquero ay nagsanib sa 26 sa 43 kabuuang kills tungo sa paglista ng 17 at 12 puntos habang si Soriano ay mayroong limang blocks at si Wenneth Eulalio na may 12 puntos, ay naghatid ng tig-tatlong blocks at aces.
Si Jovelyn Gonzaga pa rin ang namuno sa kanyang koponan sa naitalang 12 puntos, tampok ang 10 attack points, pero wala ng iba pang kakampi ang nasa doble-pigura para matapos ang tatlong sunod na panalo ng Army sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Binulaga ng Cagayan ang Army sa first set nang magtala ng 13-6 bentahe sa attack points at may 6-0 sa blocks.
Nagpatuloy ang dominasyon sa net ng Lady Rising Suns sa second set sa 15-8 bentahe sa attacks pero nabuhay ang Army sa ikatlong set at tila makakatikim sila ng panalo matapos dumikit sa 21-20 sa kill ni Gonzaga.
Pero nasilip ni Maizo ang butas sa depensa ng kalaban bago nasundan ito ng block ni Soraya, at magkasunod na kill nina Soriano at Tabaquero para matapos ang larong tumagal lamang ng 62 minuto.
Tinapos naman ng PhiÂlippine Navy ang tatlong sunod na pagkatalo sa 25-23, 25-23, 25-17, dikitang panalo sa kinapos na FEU sa unang laro.
- Latest





















