^

PSN Palaro

‘Have money will travel’ ‘di kinatigan ng SEAG Task Force

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gagastusan lahat ng pamahalaan ang dele­gas­yong ipadadala sa South East Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.

Ito ay matapos tanggalin ng pinagsamang POC at PSC Task Force SEA Games ang naunang binalak na have-money-will-travel policy para sa mga sports na alanganin ang pagsama ngunit may sari­ling pera para ipantustos sa pagbiyahe.

“May offer pa nga ang Myanmar na sila ang sasa­got sa isang women’s sepak takraw team at players para sa chinlone para makasali lamang tayo pero hindi namin ito sinang-ayunan dahil lalabas pa rin na have-mo­ney-will-travel ito,”  wika  ni  TF member at POC chairman Tom  Carrasco Jr.

May 162 atleta na ang pasok sa delegasyon at ang magiging kabuuang bilang ng delegasyon, kung makakapasa ang mga naghahabol na atleta at mga team officials ay hanggang 328 lamang.

Naunang nagsabi si PSC chairman Ricardo Garcia na hanggang P30 milyon lamang ang pondong inilalaan niya sa pagsali ng delegasyon sa Myanmar ngunit pinangangambahan na kakapusin ito.

“Mas malaki ang gastos ngayon dahil walang direct flight patungong Myanmar. Kung mag-chartered flight ay mas makakatipid ng kaunti,” wika pa ni Carrasco.

Naniniwala naman siya na mababawasan pa ang bilang ng delegasyon dahil hindi lahat ng 86 atletang naghahabol ng puwesto ang makakapasa sa qualifying base sa performance sa lalahukang international competitions.

Ang bilang na ito kung buong aalis ay mas mababa naman kumpara sa 750-katao delegasyon na isinali sa Palembang, Indonesia noong 2011.

 

CARRASCO

CARRASCO JR.

DISYEMBRE

GAGASTUSAN

MYANMAR

RICARDO GARCIA

SOUTH EAST ASIAN GAMES

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with