^

PSN Palaro

PSC magbibigay ng cash incentives kung...

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakadepende sa sobrang pera ng PSC ang pagbibigay ng  insentibo sa mga atleta na mananalo sa mga palarong hindi sakop ng Incentives Act.

Ito ang nilinaw ni PSC chairman Ricardo Garcia matapos magbigay ng P1.8 milyon insentibo sa mga nanalo ng medalya sa sinalihang Asian Indoor-Martial Arts Game, Asian Youth Games, Asian Junior Wushu Championship at FIBA Asia Men’s Cham­pionship kamakailan.

“Walang pera ang PSC at ang mga natitipid namin buhat sa mga belt-tightening measures ang siyang ginamit namin para magbigay ng incentives. Pero sa ipinasang board resolution sa bagay na ito ay malinaw din na nakasaad na hindi ito regular naming gagawin at nakadepende kung may sobrang pera. Kaya hindi ito puwedeng gamitin bilang precedent,” wika ni Garcia.

Base sa Incentives Act, ang mga torneo tulad ng SEA Games, Asian Games at Olympics bukod pa sa mga Asian at World Championships na ginagawa tuwing apat na taon lamang ang may karampatang in­sentibo sa pamahalaan.

Inihayag din ni Garcia na hindi rin dapat ituring na savings ang perang naiipon ng ahensya tulad ng akala ng iba.

“May mga nagsasabi na marami kaming pera dahil may savings kami. Pero hindi ito dapat ituring bilang sa­vings dahil ang perang ito ay dahil sa mga ginawa na­ming hakbang para makatipid at para kung mangailangan kami ay mayroon kaming makukuha,” paliwanag pa ni Garcia.

Nasa P1 milyon ang ibinigay ng PSC sa National men’s basketball team na nanalo ng pilak sa FIBA Asia na ginawa sa bansa habang ang mga gold medalists sa ibang kompe­tisyon ay tumanggap ng tig- P75,000.00.

ASIA MEN

ASIAN GAMES

ASIAN INDOOR-MARTIAL ARTS GAME

ASIAN JUNIOR WUSHU CHAMPIONSHIP

ASIAN YOUTH GAMES

GARCIA

INCENTIVES ACT

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with