^

PSN Palaro

Camaso nagbida sa Judiciary

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Linggo

(Pasig Sports Center)

2:30 p.m. DOJ vs Congress-LGU

4 p.m. MMDA vs AFP

5:30 p.m. Judiciary vs PNP

 

MANILA, Philippines - Mas nakitaan ng init ng paglalaro ang Judiciary tungo sa 103-85 tagumpay sa PhilHealth at manatiling nasa ikalawang puwesto sa idinaos na 1st UNTV Cup noong Linggo sa Yna­res Sports Arena sa Pasig City.

Ang 6’6 center na si Don Camaso ay nagpasabog ng 24 puntos bukod sa 15 rebounds at 3 steals habang sina John Hall, Ariel Capus, Julius Caesar Rabino at Jose Midas Marquez ay nagsanib sa 57 puntos upang makapagdomina ang Judiciary sa kabuuan ng labanan tungo sa ikatlong sunod na panalo matapos ang apat na laro.

“Sinabi ko lamang sa mga teammates ko na hin­di kami dapat mag-relax. Marami pang mabibigat na kalaban kaya’t mahirap pang magsalita sa chance namin dito sa liga. Basta one game at a time lang kami,” ani ng 40-anyos ex-PBA player na si Camaso.

Nasayang ang 31 puntos ni Carlo Capati para sa PhilHealth na bumaba sa 2-2 baraha at nalagay sa ikaapat na puwesto.

Ang Metro Manila De­velopment Authority (MMDA) ang nasa ikatlong puwesto nang kalusin ang Department of Justice (DOJ), 108-72, para sa 2-1 baraha.

Si Johnson Pangilinan ay may 15 puntos para sa balanseng pag-atake ng MMDA at ipalasap sa DOJ ang ikatlong sunod na kabiguan sa pitong koponang liga na inorganisa ng Breakthrough and Milestones Production Interna­tional sa pamumuno ni Chairman at CEO Daniel Razon.

Nakitaan din ng init ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa 110-83 pagsibak sa Congress-LGU sa ikatlong laro.

 

ANG METRO MANILA DE

ARIEL CAPUS

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BREAKTHROUGH AND MILESTONES PRODUCTION INTERNA

CARLO CAPATI

DANIEL RAZON

DEPARTMENT OF JUSTICE

DON CAMASO

JOHN HALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with