CEU, St. Clare muling nanalasa
MANILA, Philippines - Hinablot ng Centro EsÂcolar University ang kaÂnilang ikalimang sunod na panalo sa 13th NAASCU men’s basketball nang tambakan ang Polytechnic University of the Philippines (PUP), 84-55, noong Linggo sa CEU-Manila gym.
May 26 puntos, kasama ang limang tres si Joseph Sedurifa para manatiling nagsosolo sa liderato ang Scorpions.
Hiniya naman ng nagdedepensang kampeon na St. Clare College-Caloocan ang New Era University, 88-37, habang nanaig din ang Rizal Technological University sa Our Lady of Fatima University, 78-71, upang manatiling nasa ikalawa at tatlong puwesto sa liga.
Hindi pinahintulutan ng depensa ng Saints na makaiskor ng 10 puntos ang Hunters sa unang tat lÂong yugto katampukan ang ikaapat na sunod na panalo sa limang laro ng koponan.
- Latest