Bakbakang Julaton-Salazar ngayon
MANILA, Philippines - Kapwa pumasa sa weight limit na 124 pounds sina dating Filipino world female super bantamweight champion Ana ‘The Hurricane’ Julaton at Celina Salazar sa kanilang official weigh in kahapon sa Grand Oasis Hotel sa Cancun, Mexico.
Tumimbang si Julaton ng bigat na 123.5 pounds, habang mas magaang sa 122.6 pounds si Salazar para sa kanilang 10-round, title eliminator ngayon.
Ito ang magiging unang laban ng 33-anyos na si Julaton (12-3-1, 2 KOs) ngayong taon kontra sa 24-anyos na si Salazar (4-1-2, 1 KO).
Napabalitang maaÂaring hamunin ni Julaton si International Boxing Federation bantamweight queen Yazmin Rivas ng Mexico sa undercard ng Floyd Mayweather-Saul Alvarez sa Las Vegas sa Setyembre 14 kung mananalo kay Salazar.
Ngunit hindi pa ito iniisip ng 33-anyos na Fil-American fighter.
“For me to be on the brink of bigger things, I have to treat it like every other fight,†wika ni Julaton, dating nagreyna sa female super bantamweight division ng World Boxing Organization.
Ang laban ni Julaton kay Salazar ay co-feature sa isang 130-pound title fight sa pagitan nina WBC beltholder Takashi Miura at Sergio Thompson sa ilalim ng Golden Boy Promotions.
Matapos agawan ni Yesica Patricia Marcos ng Mexico ng WBO female super bantamweight title via unanimous decision noong Marso 16, 2012 ay dalawang sunod na panalo ang itinala ni Julaton.
Tinalo ni Julaton sina Yolanda Segura at Abigail Ramos noong Mayo 4 at Agosto 3, 2012, ayon sa pagÂkakasunod.
- Latest