Ariza sinibak ni Roach sa Team Pacquiao
MANILA, Philippines - Hindi makakasama niÂna Manny Pacquiao at Brandon Rios ang kanilang mahuhusay na strength and conditioning coach sa magaganap na tagisan sa Nobyembre 13 sa Cotai Arena sa The Venetian sa Macau, China.
Wala na sa kampo ni Pacquiao si coach Alex Ariza upang maiwan kay trainer Freddie Roach ang pamamahala sa pagsasaÂnay ng Pambansang kamao.
Sa panayam ng ESPN Sports Nation kay Pacquiao sinabi niyang magsasanay siya sa loob ng tatlong buÂwan para makuha ang panalo at makabawi matapos ang magkasunod na masaÂsakit na pagkatalo kina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez noong nakaraang taon.
At wala na si Ariza dahil tinanggal na siya ni Roach.
“Three months prior to fight. No Freddie fired Alex,†wika ni Pacquiao.
Sa kabilang banda, hindi rin makakasama ni Rios ang batikang conditioning coach na si Angel Hernandez.
“No, we were going to but we didn’t agree on terms. He is a great conditioning coach though. I’ve worked with him before, the only reason we aren’t working together is because we couldn’t come to terms,†ani Rios sa hiwalay na panaÂyam ng ESPN.
Si Pacquiao ay magsasanay sa Pilipinas at sa huling tatlong linggo lamang niya makakasama si Roach dahil may iba ring itong hahawakang boksingero .
- Latest




















