^

PSN Palaro

Bernabe na-injured, laban ‘di na tuloy

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi matutuloy ang pag­sampa uli sa ring ni da­ting world title challenger Bernabe Concepcion sa Hulyo 27 sa Barangay San Dionisio Covered Court sa Parañaque City.

Ang paboksing na ito ay handog ni Anson Tiu Co at si Concepcion ay dapat mapapalaban kay WBC Asian Boxing Council super bantamweight champion Richard Betos sa isang 10-rounder pero kanselado na ito matapos magkaroon ng injury ang 25-anyos na boxer.

Nasaktan ang kanang balikat ni Concepcion habang nag-eensayo sa Al­liance Boxing Club sa Pasay City para maunsiyami ang sana’y puntirya na ikatlong sunod na panalo matapos mabigo kay Mikey Garcia ng Puerto Rico para sa WBO-NABO featherweight title.

Ito rin sana ang ikala­wang sunod na laban ni Concepcion sa promotion ni Co, may-ari ng Shape-Up boxing gym sa Baguio City, at balak sana ng boksingero na dalawang beses na napalaban sa WBO featherweight title, ang masundan ang seventh round retired panalo na ipinoste kay Boido Simanjuntak ng Indonesia noong Abril 21 sa Muntinlupa Sports Complex.

Tuloy naman ang ibang nakatakdang laban at tampok na bakbakan ay sa hanay nina Jessabelle Pagaduan at Carleans Rivas para sa Philippine minimumweight title.

“Tumataas ang popula­ridad ng women’s bo­xing kaya’t ito ang sinisikap na­ming tulungan,” wika ni Co.

Si Eden Sonsona na na­palaban pero nabigong kunin ang WBO NABO super bantamweight title noong 2010, ay  makakasukatan si  Daniel Ferreras sa isa ring main event na inilagay sa 10-rounds.

ANSON TIU CO

ASIAN BOXING COUNCIL

BAGUIO CITY

BARANGAY SAN DIONISIO COVERED COURT

BERNABE CONCEPCION

BOIDO SIMANJUNTAK

BOXING CLUB

CONCEPCION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with