Reyes kumpiyansa sa tsansa ng Gilas
MANILA, Philippines - Isang araw matapos ihayag ang Final 12, kumpiyansa si head coach Chot Reyes sa tsansa ng Gilas Pilipinas para sa darating na 27th FIBA Asia Championship na nakatakda sa Agosto 1-11.
Mula sa New Zealand, nag-text si Reyes na mayroon siyang ‘A TEAM’.
“This is ‘A TEAM,’ not a collection of PBA’s best plaÂyers. That’s what we have n*ow,†wika ng Gilas Pilipinas mentor. “I’ve never wavered from the team I wanted to build.â€
Inilarawan pa ni Reyes ang kanyang Final 12 na “ a quick, versatile team with great outside shooters.â€
Babanderahan ni 6-foot-11 naturalized player Marcus Douthit ang Gilas Pilipinas sa shaded lane katuwang sina 6’10 June Mar Fajardo at 6’9 Japeth Aguilar.
- Latest