^

PSN Palaro

Cone, Toroman bumilib sa Gilas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napanood at nao­bser­bahan na nina coaches Tim Cone at Rajko Toroman ang Gilas Pilipinas sa kanilang ensayo, at nagustuhan ang kanilang nakita.

“I attended a couple of Gilas practices. (I’m) Really impressed by the intensity, chemistry and togetherness of the team,” sabi ni Cone sa kanyang Twitter account.

Pinuri rin ni Cone si coach Chot Reyes na inilarawan niyang isang “great leader.”

Bumilib naman si Toroman sa Gilas Pilipinas nang talunin nito ang kanyang Barako Bull team, 84-67, sa isang tune-up game sa Ynares Center sa Pasig noong Sabado.

Kumpiyansa sina Cone at Toroman na makakamit ng Philippine team ang misyon nito sa darating na 27th FIBA-Asia Cham­pionships.

Ang hangarin ay ang makapuwesto sa top three sa nasabing 16-nation Asian competition para makalahok sa 2014 FIBA World Cup sa Spain. Hindi pa nananalo ang bansa sa nasabing Asian basketball stage sapul nang maging punung abala noong 1978 world championship.

Sinabi ng Serbian mentor na isang panlaban na koponan ang Gilas Pilipinas dahil sa kumpletong mga players sa lahat ng posisyon.

ASIA CHAM

BARAKO BULL

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

RAJKO TOROMAN

TIM CONE

TOROMAN

WORLD CUP

YNARES CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with