Murray vs Djokovic sa Finals
LONDON--Napigilan man dahil sa desisyon ni chair umpire Jake Garner na itigil ang laro para ilatag ang bubungan ng Centre Court dahil sa dilim, umabante pa rin si Andy Murray sa finals ng Wimbledon.
Tinalo ni Murray si No. 24 Jerzy Janowicz, 6-7 (2), 6-4, 6-4, 6-3, sa kanilang duwelo sa semifinal round.
Nakipagtalo si Murray kay Garner para ituloy ang kanilang laro ni Janowicz.
Sa huli ay itinuloy ni Garner ang laban na nagresulta sa ikalawang finals appearance ni Murray sa Wimbledon.
Hangad ni Murray na maging unang British player na maghari sa tornero sapul noong 1936.
Lalabanan ni Murray para sa korona si No. 1 Novak Djokovic, nanalo kay No. 8 Juan Martin del Potro, 7-5, 4-6, 7-6 (2), 6-7 (6), 6-3.
Ito ang ikatlong pagkakataon na maghaharap ang dalawa sa Grand Slam finals sa nakaraang 10 buwan.
Nanalo si Murray via five-setter sa US Open noong naÂkaarang taon at nagwagi naman si Djokovic sa four sets sa Australia sa pagbubukas ng 2013 major season.
- Latest





















