^

PSN Palaro

Thrilla in Manila

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Buhay na buhay pa ang usapan na muling lalaban si Manny Pacquiao dito sa Pilipinas bago man lang siya magretiro.

Nakausap natin kailan lang ang isa sa mga advisers ni Pacquiao na si Franklin Gacal at sinabi niya na may mga nakakausap silang mga grupo ng tao na interesadong pondohan ang laban ni Pacquiao dito.

Hindi man sinabi ni Gacal kung sino ang mga ito ay may maikli tayong listahan.

Nangunguna na dito si Manny V. Pangilinan, ang big boss ng PLDT, Smart, Maynilad at Meralco na nung isang taon pa ay naiulat na may balak ngang mag-promote ng Pacquiao fight dito.

Nariyan din ang mga bago at higanteng mga casino sa Maynila gaya ng Resorts World at Solaire. Parehong maraming pera at malamang ay parehong interesado.

Kailangan siguro ng mahigit $30 million para magpromote ng Pacquiao fight dito sa Pilipinas. Malaking halaga na puwede namang mabawi kung maganda ang benta ng pay-per-view sa ibang bansa.

Lalaban si Pacquiao kay Brandon Rios sa Macau sa November at kung matagumpay siya at impresibo ay baka manumbalik ang kanyang pupularidad.

Galing sa dalawang sunod na talo si Pacquiao kay Tim Bradley at Juan Manuel Marquez kaya obligado siyang manalo ng maganda laban kay Rios.

Magaganap ang laban sa Macau dahil umiiwas si Pacquiao sa napakalaking tax sa Amerika. Halos 40 percent na ang tax doon para sa mga dayuhang atleta at kung sakaling kikita siya ng $20 milyon sa laban, halos $8 milyon na dito ay mapupunta agad sa tax.

Hindi ganyang kalaki ang tax sa Macau o kaya sa Pilipinas kaya nga kung lalaban siyang muli sa susunod na taon ay talagang pag-aaralan nila ng husto na dalhin dito ang laban.

Huling lumaban sa Pilipinas si Pacquiao noong 2006 kontra kay Oscar Larios.

At hindi pa huli ang lahat na makita natin siyang muli na lumaban dito sa harap ng ating mga mata.

Pero umasa muna tayo na mananalo siya sa Macau.

vuukle comment

BRANDON RIOS

DITO

FRANKLIN GACAL

JUAN MANUEL MARQUEZ

MACAU

MANNY V

PACQUIAO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with