Altas handa nang sumagupa sa Generals
Laro Bukas
(The Arena, San Juan City)
12 n.n AU vs SSCR (Jrs.)
2 p.m. Perpetual
vs EAC (Jrs.)
4 p.m. AU vs SSCR (Srs.)
6 p.m. Perpetual
vs EAC (Srs.)
MANILA, Philippines - Unang makakaharap ng University of Perpetual Help ni head coach Aric Del Rosario ang Emilio Aguinaldo College bukas sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Hangad ng Altas na makasalo sa unahan ang Letran Knights, Jose Rizal Heavy Bombers at Lyceum Pirates.
Ipaparada ng Las Piñas City-based team sina Nigerian swingman Nicolas Omorogbe, Behemoth center 6’7 Femi Babayemi, Harold Arboleda, Justin Alano, Mark Bitoy, Chrisper Elopre, Joel Jolangcob, Anthony Paulino at Season 88 Mythical Five at Most Improve Player Earl Scottie Thompson.
Ipaparada rin ni del Rosario ang mga bagong hugot na sina Juneric Baloria ng Angeles City, Gerald Dizon ng Magalang Pampanga, Nestor Bantayan Jr, Kervin Lucente, Kevin Oliveria ng Taguig at John Ylaganng Davao City.
Tumapos ang Altas bilang pangalawa sa nakaraang Filoil Flying V Hanes Premier Cup at sa Fr. Martin Summer Cup.
Noong nakaraang season 88, binanderahan ni Jett ‘Jetsanity’ Vidal ang Altas sa paggiba sa Taft-based Generals sa bisa ng 72-71 panalo sa 1st round, bago rumesbak ang EAC (712-73) sa second round para mauwi sa 1-1 ang kanilang head-to-head showdown.
- Latest