^

PSN Palaro

Sasabak sa Rugby World Cup Sevens: Phl Volcanoes pa-Russia ngayon

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aalis ngayon ang Phi­lippine Rugby team patu­ngong Moscow, Russia para lumahok sa Rugby World Cup Sevens 2013 na gagawin mula Hunyo 28 hanggang 30.

May 12 manlalaro ang pinangalanan para bigyan ng karangalan ang bansa at mangunguna sa Volcanoes sina Michael Letts at Matthew Abalos Saunders na itinalaga bilang mga team captains.

Ang iba pang kasama sa koponan ay ang television personality na si Andrew Wolff, Ryan Briones Clarke, Oliver Abalos Saunders, Gareth dela Rosa Holgate, Jake Robrigado Letts, Joseph Bembo Matthews, Justin Villazor Coveney, Kenneth Capinpin Stern, Sean Celada Lynch at Patrice Ortiz Olivier.

Si Al Caravelli na da­ting coach ng US team ang tatayong head coach habang si Matthew Cullen ang team manager at si Christopher Bailey ang physiotherapist.

Ito ang unang pagkaka­taon na nakasali ang Pilipinas sa nasabing kompe­tisyon at nangyari ito matapos talunin ang South Korea sa  qualifying noong nakaraang taon.

Sa Hunyo 28 gagawin ang tagisan at ang Volcanoes ay nasa Pool C. Unang laro  ay laban sa Kenya habang double-header ang Nationals sa Sabado (Hun­yo 29) at unang kalaban ay ang Samoa sa umaga habang sa hapon ay kalaro nila ang Zimbabwe.

May 24 bansa ang ka­sali sa kompetisyon at hinati sila sa anim na grupo at ang mangunguna sa bawat grupo ay aabante kasama ang best two second placers base sa points differential para paglabanan ang World Cup.

Ang nalalabing apat na second placers ay sasama­han ng apat na mangungunang third placers para paglabanan ang Plate habang ang nalalabing third placers at fourth placers ang magtatagisan para sa Bowl.

Knockout format ang mangyayari para sa World Cup, Plate at Bowl at lala­ruin ito sa Hunyo 30.

vuukle comment

ANDREW WOLFF

CHRISTOPHER BAILEY

HUNYO

JAKE ROBRIGADO LETTS

JOSEPH BEMBO MATTHEWS

JUSTIN VILLAZOR COVENEY

KENNETH CAPINPIN STERN

SHY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with